From our parents to us



< Is there a Tagalog to English program translator out there? >

From our parents to us
__________________
Sa Aking Pagtanda

Sa aking pagtanda,
unawain mo sana ako at pagpasensyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon
ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan.
Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!"
Pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang.
Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko,
pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko
sa
iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit
ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako.
Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.
Natatandaan mo anak
noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang
gusto mo.
Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy.
Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan,
huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa?
Pinatiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil
ito
ng katandaan.
Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.
Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakwentuhan
ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento
tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa
banig
ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan.
Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan.
Pagtyyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking
buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang
aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa Kanya na
pagapalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...



Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

.